13 - Banta

1808 Words

Halos manginig ang buong katawan niya nang makitang pinulot iyon ni Margarette at itinaas sa ere. Ilang segundong tila pinapaalala sa kanya kung ano ang hawak nito. Ang t***k ng puso niya ay hindi na niya kilala. “What is this?” sa malamig na boses at titig na tila bumabaon sa ultimo maliit niyang himaymay ay tanong nito. Pakiramdam niya ng mga oras na ito ay nag-yelo ang daloy ng dugo niya sa bawat ugat. Nahihirapan siyang bigla sa paghinga. Any minute, alam niyang sasambulat ang galit nito sa maaaring natuklasan na nitong laman ng sketchpad. “Rebecca.” Bahagya pa siyang napaatras nang muli itong magsalita. Hindi siya makasagot. Umurong ang dila niya at kinain siya ng matinding nerbiyos. Nakita niya kung paanong binuklat-buklat iyon ni Margarette sa pamamagitan ng well manicured na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD