CHAPTER 10

2630 Words
CHAPTER 10 HINDI ko mapangalanan ang tuwang naramdaman ko nang hindi pinansin ni Jake ang cellphone niya na walang tigil sa katutunog kanina. Malaki ang hinala ko na si Kate ang tumatawag na 'yon. Wala naman kasing ibang tatawag sa kanya ng gano'ng oras kundi ito lang. Unless, emergency call. Kaya naman, sobrang saya ko nang piliin ako ni Jake. Ewan ko rin ba kung anong nakain ng asawa ko at hindi siya nagpapigil na angkinin ako kanina. And, it was so intimate by the way. Kung angkinin niya ako tila ba wala pang laman ang tiyan ko. Saka na lang din niya kinuha ang cellphone niya matapos ng ilang minuto din naming pagniniig sa loob ng banyo. Pero, kasabay din no'n ang pagkawala ng sigla na naramdaman ko kani-kanina lang. "Hey! Who's this—oh! Hi?" Dinig kong sambit ni Jake. Napabuntong-hininga pa siya ng malalim at saglit akong sinulyapan. Nakaramdam ako ng pagtataka kung bakit kailangan pa niyang lumayo ng ilang distansya sa 'kin. Kaya naman, hindi ko na rin madinig pa kung anuman ang pinaguusapan nila. 'Tama nga ba ang kutob ko?' Anang isip ko. Pilit kong inaalis sa isipan ko ang bagay na nagdudulot sa akin ng lungkot. Hindi kasi 'yon makakabuti sa kalagayan ko. Panaka-naka kong tinitignan ang bawat reaksyon niya mula sa kinatatayuan ko. Kunwari pa ay abala ako sa pagpupunas ng basang katawan ko para naman di niya ako mahalata. Nasa magkabilang side kami ng kama at magkaharap kaya't kitang-kita ko ang bawat pagigting ng mga panga niya. Seryoso din ang mukha niya na karaniwan ko na rin namang makita sa kanya. Sandali kong iniiwas ang paningin sa kanya at inabala ko ang sarili sa pagbibihis nang maya-maya lang ay bigla akong nagulantang nang ibinalibag niya ang cellphone sa ibabaw ng tokador. Kinabahan akong bigla at tila inalsa ang katawan ko. "M-May problema ba?" Kabado man ay di ko mapigilang magtanong. Nang iniangat niya ang paningin sa akin ay nilukuban ako ng kaunting takot sa talim ng pagkakatitig niya. Napalunok ako at pilit kong nilabanan ang paasik niyang tingin. "S-Sino ba yung tumawag? M-Maari ko bang malaman..?" Sabi ko na halos mautal pa. Muling umalsa ang kaba sa dibdib ko nang dahan-dahan siyang lumapit sa kinaroroonan ko. Ni hindi niya rin inaalis ang tingin sa akin. Tila rin napako ako sa kinatatayuan. Napapikit na lamang ako nang iangat niyang bigla ang isang kamay. Pero, nakahinga ako ng malalim nang haplusin niya ang pisngi ko. Doon na ako nagmulat. "You're tired. You may go to sleep," paanas niyang sabi. Ngumisi pa siya sa 'kin na tila nangaasar. Saka na niya ako muling tinalikuran. Pero, hinabol ko siya at hinawakan sa braso. Kaya naman, muli siyang napaharap sa akin at hindi ko inaasahan na bigla siyang ngingiti. "What do you need? Round two, hmm?" Pilyo niya ring kinagat ang pangibabang-labi niya. Pakiramdam ko namula ang buong katawan ko lalong-lalo na ang mukha ko. "J-Jake.." Napapalunok pa ako ng laway nang unti-unti niyang inilalapit ang labi sa labi ko. "Jake, kakatapos lang natin." Hinarang ko ang palad ko sa labi niya. "Gusto ko lang malaman kung sino 'yong tumawag sa'yo?" Agad napalis ang pilyong ngisi sa labi niya sa ginawa o marahil sa tanong ko. Muli pa siyang humugot ng malalim na buntong hininga bago siya nagsalita. "It's Kent," pagaamin niya. Nagimbal ako. Natulala at tila binagsakan ng sanlibong semento. Si Harvey Kent o Kent ang eldest brother ni Honey Kate. Bestfriend siya ni Jake na dating nanligaw sa 'kin pero agad kong binasted dahil nga sa nakatakda na ako noong ipakasal kay Jake. Pero, mas lalo pa akong nagimbal sa sunod niyang sinabi... "And he wants me to go to their place." "B-Bakit?" Ilang segundo pa bago ako nakapagsalita. "B-Bakit ka niya niyayaya?" Tila maiiyak ko ng tanong. Nagigting ang mga panga niya at iniiwas ang tingin sa akin. "I'm his bestfriend and today is..." Hindi na niya tinapos ang sasabihin. Tumalikod siya uli sa 'kin at dumeretso sa walk-in-closet namin. Sumunod ako sa kanya na alam kung ikinairita niya. Umigting ang mga panga niya nang sulyapan ako. "B-Birthday ni Kate ngayon, diba? Kaya ka ba pupunta? Si Kent ba talaga ang nagpapunta sa'yo o si Kate? Jake..h-hindi mo na kailangang pumunta doon.." Halos bumikig na ang lalamunan ko. Hindi niya ako sinagot. Tahimik lamang siya habang nagsusuot na ng damit panlakad. Para akong mahi-histerikal. "A-Alis ka? P-Pupunta ka talaga doon?" Halos mapiyok pa ako sa naging tanong ko. Natatakot ako. Panigurado kasi na muling magku-krus ang landas nila ni Kate sa lugar na pupuntahan niya. Tila nalusaw yo'ng sayang naramdaman ko kanina at sa mga nagdaang araw na magkasama kami. Bigla niya akong hinarap. "Hindi si Kate ang pupuntahan ko, Attarah. Wala na kami, alam mo 'yan! Nandoon ang buong barkada kaya ako pupunta. Ako lang ang wala doon. Matagal na rin kaming hindi nagkikita, alam mo din 'yan," sabi niya sa may kalakasang boses. "S-Sasama ako," mabilis kong sagot pero umiling siya. Nanlumo ako. "Jake, kilala naman nila ako, eh." "But they don't know about us, Attarah!" Tumaas ng kaunti ang boses niya. Napaatras pa ako ng isang hakbang. Nakita ko naman na kumalma siya. "Dati mong manliligaw si Kent at ang alam nila ay si Kate pa rin ang girlfriend ko. Until now ay alam nilang magkarelasyon pa kami ni Kate. They don't know na kasal na ako sa'yo! Do you understand me? Ayokong mapaaway doon at ayaw kong mapahiya ka lalo pa't bully pa rin ang mga yo'n. Mas mabuti ng pribado ang tungkol sa atin nang maging tahimik ang buhay mo." "Pero.. imposibleng wala pa silang alam, Jake. Siguro naman nabanggit na ni Kate sa kanila lalo na sa kapatid niya ang tungkol sa 'tin." pamimilit ko sa kanya. "Walang binabanggit na anuman si Kate sa pamilya niya." "Kung ganon..isama mo na ako para naman malaman na din nila ang totoo," pamimilit ko. Marahas siyang bumuntong-hininga kasabay ng pagtalikod sa akin. Tumungo siya sa tokador at may kung anong kinuha doon at saka naglakad patungo sa pinto. "Jake! Please?" Sumunod ako uli sa kanya at hinawakan siya sa kamay pero iwinaksi niya iyon. Saka siya inis na humarap sa 'kin. "You're not coming with me, Attarah Jade, and that's final! 'Wag mo ng ipilit ang gusto mo, okay? Masasaktan ka lang." Pagkasabi niya no'n ay agad na rin siyang lumabas ng pinto at tuluyan na nga akong iniwan. Natulala na lamang ako sa kawalan at tila naestatwa sa kinatatayuan. Para akong binuhusan ng napakalamig na tubig. Nalulungkot ako sa kaalamang magkikita uli sila ni Kate. Nakaka-praning at kung ano-ano na ang pumapasok sa isipan ko. Nanghihina akong naglakad patungo sa kama habang hawak ang tiyan ko. "A-Anong ibig sabihin ng d-daddy mo na m-masasaktan ako? S-Sa paanong paraan? S-Sasaktan niya ba ako ulit physically? Emotionally?" Saka na lamang tumulo ng masagana ang luha ko. "A-Akala ko pa naman ay magiging okay na ang pagsasama namin ng daddy mo... A-Akala ko pa naman ay sa atin na talaga iikot ang mundo niya.. N-Na sa atin niya na talaga ibibigay ang buong atensyon niya. K-Kaso...hindi pa pala. N-Nagkamali ako sa inakala ko.." Napasubsob ako sa sarili kong mga kamay at hinayaan ang katawan na mapahiga sa kama. Sobra-sobrang sakit ng nararamdaman ko. Nakatulugan ko na rin ang pagiyak. Umaga na ng magising ako at ramdam ko ang pananakit ng mga talukap ko. Nang tumingin ako sa tabi ko ay mabilis na kumirot ang dibdib ko nang mapansing wala sa tabi ko si Jake. Para na naman akong pinagsasaksak ng sanlibong beses sa dibdib. Muli akong napaiyak. Nakakasawa na rin ang maging ganito pero bakit nagtitiis pa rin ako? Inakala ko pa naman na hindi na ako muling iiyak dahil sa mga ipinakita niya sa 'kin ilang araw mula no'ng bumalik ako dito sa bahay. Pero heto ako ngayon at halos maubusan na ng tubig sa katawan. Maya-maya lang din ay nahimasmasan ako. Kinalma ko na ang sarili ko kahit mahirap. Kailangan kong magtiis at patatagin ang loob ko alang-alang sa magiging anak namin. Bumangon ako sa kama kahit ang bigat-bigat ng katawan ko. Dumeretso ako sa banyo upang maligo. Natitigilan ako at minsan pang inaalala ang namagitan sa amin kagabi lang. Kung bakit nararamdaman ko lang ang kaunting pagmamahal niya sa tuwing nagniniig kami. Tinapos ko na ang pagiisip ng kung ano-ano. Minadali ko na rin ang paliligo ko. Paglabas ko ay agad akong nagpalit ng damit. Naglagay na lamang din ako ng kaunting polbos at lipstick nang sa ganon ay magkaroon ng buhay ang mukha ko. Mugtong-mugto pa kasi ang mga mata ko. And, I look so stressful which is totoo naman talaga. Ang totoo, kaya ko namang umalis sa sitwasyon kong ito subalit gusto kong panindigan ang naging desisyon ko noon, ang pagpayag na maikasal kay Jake Xander kahit pa alam kong ganito ang mangyayari. Hindi ko nga lang makontrol ang emosyon ko sa tuwing nasasaktan na ako. Pagkatapos kong ayusin ang hitsura ko ay kinuha ko ang black na tote bag sa cabinet at nilagay ang ilang gamit saka mga dokumento ko. Dahil sa nangyari ay kailangan kong masiguro na ayos lang ang baby sa tiyan ko. Wala ako sa sarili ng lumabas ng kwarto. Tinalunton ko ang hagdan nang tila wala akong ibang nakikita kundi purong puti lang. Blanko. Kaya naman, hindi ko na rin namalayan na nasa ibaba na pala ako ng hagdan at kaharap ko na ang hindi ko inaasahang bisita. "At last! You're finally awake, Attarah Jade." Kinurap-kurap ko pa ang mga mata ko para masigurong hindi ako namamalikmata lang. "K-Kate!?" Marahas kong tanong at hindi ko na maalis ang tingin sa kanya. "A-Anong ginagawa mo dito? B-Bakit ka nandito? Nasaan si Jake? Nasainyo pa ba siya?" Sunod-sunod kong tanong. Tumango-tango siya habang tila kinikilig. "Yup! And as this moment, for sure super himbing pa ng tulog ng love ko. Super napagod siya kagabi, eh." Para siyang sira-ulong nakangiti sa kawalan. Napaawang ang bibig ko. Saka siya tumingin sa akin nang tila nangaasar. "And do you know why he's tired last night, darling?" Nanginginig na ang kalamnan ko at hindi ko na magawa pang kontrolin ang sarili ko. "A-Anong ginawa mo sa asawa ko? Ano?!" Halos um-echo sa lakas ng pagkakasigaw ko. Tumawa siya ng pagkalakas-lakas bago niya ipinakita sa akin ang screen ng cellphone niya at halos himatayin ako nang makita ang s*x video nila ni Jake. Mas lalong tumindi ang pagnginig ng mga kalamnan ko. Napayuko na ako at halos madurog ang mga daliri ko sa lakas ng pagkakakuyom ng kamao ko. Ni hindi ko na nga rin marinig ang patuloy na pagtawa ni Kate. "So what can you say about it? Am I good kisser, huh? Ako na ang magsasabi.. I am. Kaya hindi ako magawang kalimutan ni Jake Xander. Isang tawag ko lang, nandiyan na siya agad!" "Umalis ka na, Kate!" Madiin kong sabi. Hindi ko inaangat ang tingin sa kanya dahil nagsisimula ng mamuo ang galit sa dibdib ko. Hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa kanya. "Umalis ka na!" "Hah! You know what? You deserved to be hurt! I was supposed to be his wife and not you! And, I was supposed to be the mother of his children but you stole him from me! One week, hinayaan ko siya na maging sa'yo.. Para ipa-realize sa kanya kung sino ba talaga ang mas mahalaga sa kanya! Ako ba o ikaw? And, I'm glad he chose me over you. Haha! Handa akong maging kabet makasama lang siya at maging akin pa rin siya, Attarah Jade! I love him that much! Do you understand that?!" Walang preno niyang sabi na halos magmukha na siyang baliw sa harapan ko. Hindi na ako nakapagsalita pa. "Ako pa rin ang mahal ni Jake at kailanman hinding-hindi ka niya mamahalin, tandaan mo 'yan!" Asik niya at nagmamadali ng lumabas sa nakabukas na pinto. Tila nauupos na kandila akong napasalampak sa hagdanan. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at naikuyom ko pa lalo sa sobrang galit ang mga kamao ko. "Tarah?!" Pilit kong iniangat ang tingin sa tumawag sa 'kin. Doon nakita ko ang nagaalalang mukha ni 'Nay Coring na patakbong dumalo sa 'kin at mabilis akong niyakap nang unti-unting na akong nanghina at napapahiga sa sahig. Naramdaman ko din na nagdidilim na ang paningin ko. "Tarah!!! Tulong!!" Nagsisisigaw na sambit ni Nay Coring. Tuluyan na nga akong nawalan ng malay-tao sa matinding emosyong naramdaman ko. ———— "HOW is she?" "Your wife still needs more rest, Mr. Hemsworth. Kailangan pa niyang manatili dito for about one to two days to monitor her condition. She's over fatigue." Nagising ang diwa ko sa nadinig kong usapan ng dalawang lalaki at tila ako ang pinaguusapan nila. 'Wife' 'Mr. Hemsworth?' Malalim na buntong-hininga ang narinig kong sagot ng isa kasabay ng paghaplos nito sa buhok ko. Tuloy hindi ko magawang buksan ang mga mata ko dahil nasasarapan ako sa gaan ng kamay niya. Nakakaramdam ako ng ginhawa. "I know this is been traumatizing for her when she knew what happened.. Uh! I can't!" Malungkot na sagot no'ng lalaking paulit-ulit na hinahaplos ang buhok ko. "By the way, doc, I am not her husband. I was just her neighbor." "Oh? What a surprise! I'm sorry.. I thought you were the husband." "I'm not." "Oh.. Anyway, baka maya-maya lang ay gumising na siya. Kapag gising na siya, maaari niyo na siyang pakainin ng healthy foods. She needs that." "Copy, doc." "Okay. I'll go ahead now." "Yes, doc. Thank you." Pagkalabas ng doktor ay saka pa lang ako nagmulat ng mga mata ko. Tumambad sa paningin ko ang mala-artistahing lalaki na kasing gwapo rin ni Jake. "S-Sino ka?" Tanong ko. "Oh!" Nagulat pa siya. "H-Hi! Finally, you're awake, Miss. How was your feeling?" Tanong niya. Nakangiti siya habang nakatunghay sa 'kin. Napalunok ako at hindi makapagsalita. Imbes na sumagot ay umiwas ako ng tingin dahil hindi ko makayanang makipagtitigan sa kanya. Naaasiwa ako sa kagwapuhan niya at masasabi kong mas gwapo pa ata siya kay Jake. "I'm Zack Daniel Zobel Hemsworth. I'm your neighborhood. Ako ang nagdala sa 'yo rito sa hospital dahil hindi raw matawagan ng katulong niyo ang kapatid mo." Muli akong napatingin sa kanya hindi dahil sa pagpapakilala niya kundi dahil sa huling sinabi niya. 'Kapatid?' 'Iyon ba ang pagkakaalam ni 'Nay Coring? Hindi ba niya alam na magasawa kami ni Jake?' Muli akong napatingin sa kanya hindi dahil sa pagpapakilala niya kundi para klaruhin ang sinabi niya. "K-Kapatid? Hindi ko kapatid ang kasama ko sa bahay. A-Asawa ko.. Bago lang kasi si 'Nay Coring kaya siguro akala niya, eh, magkapatid lang kami ng Sir niya." "Really? 'Yun kasi 'yong sinabi ng katulong niyo. Uh! She's not here to explain, bumalik muna siya sa penthouse niyo para kumuha ng ilang gamit mo. You need to admit here for about two days to monitor your condition." Nadinig ko nga kanina pero kailangan kong malaman ng klaro kung bakit kailangan kong ma-admit sa hospital. "My condition? I think, I'm fine. Bakit daw ba ako ia-admit?" "Uhm.. I think the doctor have the right to tell you what happened to you.." Bigla akong kinabahan nang magseryoso siya. "Hindi kasi ako ang dapat na magsabi sa'yo, eh." "Why not? Kung alam mo naman ang dahilan kung bakit ako ia-admit. Tell me, anong nangyari sa 'kin after ko mag-collapse?" Kinakabahan kong tanong. Nailibot ko pa ang paningin ko dahil nagtataka ako kung bakit wala man lang ni isang dumalaw sa 'kin. "Saka, b-bakit ikaw ang nagdala sa 'kin dito?" Ibinalik kong muli ang tingin sa kanya. "As I've said earlier, humingi ng tulong sa akin ang katulong niyo para dalhin ka rito.. Ano kasi.. Dinugo ka. And, I'm sorry.. Mahina ang kapit ng baby mo.." Nanghina ako sa nadinig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD