MARIAS OF MY LIFE Maria Jessielyn Ortega THE TOMBOY by: Blackrose Chapter 7 Nakatanggap ako ng text message galing kay Kylie kaninang 6am, pinaki-usapan niya akong samahan siya na mamili ng mga accessories para sa Phantom niya. Wala daw siyang maisip na isama who knows cars better than I am. Napagkasunduan namin na magkita na lang kami sa may tapat ng Casa Delida dahil hindi naman namin alam ang bahay ng isa't-isa. At 7am ay tapos na akong maligo at nandito na'ko sa kwarto, naghahanap ng matinong susuotin. Nakakahiya naman kasi kay Kylie kung panget ang suot ko. Napag-desisyunan kong mag-puti na tshirt at itim na slim-fit jeans na bagong bili ko lang last month, nagustuhan ko ito dahil maganda ang pagkakahapit nito sa legs ko. Sabi ni Kylie ay huwag na daw kaming pumorma, hindi naman

