»»» CHAPTER 1
" Ano nanaman ho ba ang ginagawa nyo dito sa kagubatan binibini? "
Liningon ko lnng ito at bumalik sa pagpupunas ng aking palaso.
" Nangangaso nanaman ho ba kayo Binibini? Hindi bat ipinagbawal na iyan sa iyo ng iyong ama? "
" Maraming mababangis na hayop ang gumagala dito sa atin Manang Tesilia. Paano nalang kung isa sa mga anak mo ang matagpuan ng mabangis na hayop na iyon? makakaya ba ng kons--- "
Agad ko namang ibinato ang palasong hawak ko sa isang Ahas na isa sa pinaka-makamandag dito sa syudad ng Litheia.
" Binibini jusko! Mabuti naman at hindi ka natuklaw "
Tiningnan ko naman ito at ngumiti lang.
Napalunok naman ito sa di ko malamang kadahilanan.
" Ah Binibini? umuwi na tayo hehe oo umuwi na tayo.baka hanapin ka ng iyong ama at parusahan naman. "
" Ayoko pang umuwi Manang Tesilia. Mauna ka ng umuwi at susunod nalamang ako. "
Tumango ito at umalis. Pumunta naman ako sa kinaroroonan ng Ahas na ngayon ay pat*y na.
Binunot ko ang palaso ng tumagos pa sa lupa ang pagkakatusok.
Malaki laki din ang ahas ng iyon sapagkat maraming taon na yata itong nabuhay.
Pinunasan ko ulit ang palaso gamit ang aking damit.
Oo nakakadiri ngunit palagi ko iyong ginagawa. Masarap sa pakiramdam na basa palagi ang katawan ko ngunit puro d*go naman.
May nagtakip sa akin ng tela at may kakaiba akong naamoy dahil agad na nanghina ako at di makagalaw.
Ang sunod kong naalala ay bumagsak ako sa malamig na lupa at kaharap ko ang Ahas na pinatay ko.
Kasabay nito ang unti unting pag pikit ng aking mga mata.
A/N :: This is first chapter Hope you all like it.
Kinda leave a feedback para alam ko po kung nagustuhan ninyo. Thank you for Reading.