* KAGUSTUHAN *

584 Words
»»» CHAPTER 2 " Hindi na ako mag papaligoy ligoy pa Anastasia. " ibinaba ko ang librong binabasa ko at tumingin sa aking Ama. Ngayon lamang ulit sya tumuntong sa aking silid kaya naman labis ang tuwa ko ngunit mas nagingibabaw ang pagtataka ko. Bakit naman sya pupunta sa aking silid? " Anastasia! " napaigtad ako sa sigaw ng aking ama at agad na tumayo. " Ano ang iying kailangan Ama? " " Magpanggap ka na ikaw si Alisha, Anastasia. " " Ama?! bakit? " Alam kong nawawala ang kakambal ko at hinahanpp ko din ito. Ngunit hindi naman yata tama iyon diba?. " Ama papaano? Magkaibnng magkaiba kami ng kakambal ko Ama. Hindi maaari ang iyong nais para sa akin. " " Sundin mo ang utos ko Anastasia. Dahil kung hinfi dahil saiyo...hindi mawawala ang bunso mong kakambal!. " " Ama hindi ko iyon ginusto. " " Bakit palagi mo syang tinuturuang mangaso kung gayon? Para ba mamat*y na sya ha?! ganon ba? " " Ama---" *Pak* " Huwag na huwag mo akong tatawaging ama dahil isa kang sal0t. " " Alberto! tama na iyan! masyado mo ng sinasaktan ang damdamin ng iyong panganay na anak. " " Hindi pa iyan sapat sa mga malas na natamo ko sakanya Manang Tesilia. " " Ngunit---- " " Manahimik ka Tesilia. Palagi kang konsintidor dyan sa Anastasiang iyan kaya sya ganyan. " Umiyak na lamang ako habang nakayuko ngunit walang imik dahil sa pag tatalo ni Manang Tesilia at Ama. Palagi akong pinagsasalitaan ng masama ng aking ama ngunit wala lang ito sa akin. Di ko ito pinapansin. " Anastasia! sa ayaw at sa gusto mo susundin mo ang nais ko!. Nagkakaintindihan ba tayo? " pinunasan ko ang mga luha ko ng patago at inayos ang hitsura ko. Liningon ko ito at ngumiti para ipakitang di ako apektado sa mga sinabi nya. " Masusunod po Am--...O-opo susundin ko ang iyong nais. " Padabog itong umalis at binagsak ang pintuan. Agad naman akong inalo ni Manang Tesilia. " Ayos ka lang ba Anastasia? Anak? wag ka ng umiyak. " " Manang? bakit di ako tanggap ng aking Ama? " " Hayaan mo na ang iyong ama. Ang importante mahal kita at ng iyong kakambal. Sundin mo na lamang ang iyong Ama. " " Opo manang. Bakit ba ako magpapanggap? " Liningon naman ako ni Manang na parang naguguluhan. " Bakit po Manang? " " Hindi ba't isa sa mga babaeng pagpipilian ang iyong kakambal? kasama sya sa pipiliin upang maikasal sa Prinsipe. " " Ano?! hindi maari ito Manang! Hindi ako handa at lalo na't wala akong alam tungkol sa labas. Tanging ang kambal ko lamang ang nagbibigay sa akin ng impormasyon para makilala ko ang syudad. " " Ngunit matalino ka Anastasia kaya't alam kong malalampasan mo din ito. Magtiwala ka lamang at isipin mong para ito sa kapakanan ng iyong kambal. " " Ngunit..." " Kayanin mo Anastasia dahil iyan ang kagustuhan ng iyong Ama. Ngayin na lamang ito at itatakas na kita dito pagsapit mo ng dalawamput tatlo sa iyong kaarawan. " Oo nga pala at iyan ang plano ni Manang Tesilia. Ang itakas ako dito sa bahay at ilayo sa aking malupit na Ama. Ako ang nagsabi niyon kay Manang. Ngunit matatagalan pa dahil labing siyam pa lamang ang edad ko. Makakapaghintay pa ako. Kapag nakalabas na ako ay hahanapin ko din ang kakambal ko. Ililigtas ko sya kung nasaan man sya. A/N :: This is Chapter 2 hope you like it.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD