Habang nakatambay ako dito sa garden ko ay papunta si manang na kasama si Allen! Kumunot ang noo ko dahil paano niya nalaman na nandito ako? Nakita ko pang may mga bitbit siyang paperbag. “Gen,” tawag niya sa akin habang nakangiti. “Pasensya ka na, kinulit ko kasi ang Daddy mo. Gustong-gusto talaga kita makita.” Nginitian niya ako at biglang hinawakan ang kamay ko na kinagulat ko. “Kamusta ka?” tanong niya habang nakatingin pa rin sa mukha ko. Siguro hindi niya pa napapansin ang tiyan ko. “A-Allen, buntis ako.” Akala ko magugulat siya pero ngumiti lang siya. “Alam ko. Narinig ko sila Jessa nung nakaraang araw.” Napakagat ako sa ibabang labi ko. “Ito nga pala,” may binigay siyang nga paperbag sa akin. Pagbukas ko ay nagulat ako dahil mga gamit ng baby! Naunahan niya pa akong bumili n

