Maaga akong nagising kinabukasan dahil sa mahinang iyak ni Seb. Napapikit pa ako habang inaabot siya sa crib namin. Pagkakarga ko pa lang, agad siyang tumahan at yumakap sa damit ko na parang gusto lang maramdaman na nandito ako. Mahina akong napangiti habang hinihimas ang maliit niyang likod. “Ayan… gusto lang pala magpabuhat.” Bulong ko habang sinasayaw na siya. “Anong oras na?” paos na tanong ni Anton mula sa likod ko. Bahagya akong lumingon at nakita ko siyang nakapikit pa habang nakahiga pero nakalahad na ang kamay sa side ko, parang hinahanap ako kahit tulog pa. Siguro kinapa niya agad ako. “Six pa lang. Matulog ka pa.” Mahina kong sagot dahil maaga pa naman. Pero bumangon pa rin siya. Gusot-gusot ang buhok niya at halatang bagong gising pero gwapo pa rin. Hindi ko maintindihan

