Chapter 3

1599 Words
Habang umiinom kami ng tequila, may mga lalaki na lumalapit sa amin. Natatawa na lang ako sa mga sinasabi ni Jessa na may mga anak na kami sa mga lalaking lumalapit sa amin. Kaya back out agad ang mga lalaking lumalapit sa amin. Kanina pa ako tawa ng tawa sa mga pinaggagawa ni Jessa! “First time ko makapasok sa ganito,” sabi ni Jessa sa akin sabay inom ng tequila. “Salamat, Gen!” sabay yakap sa akin kaya napangiti ako. Bigla akong nakahanap ng kaibigan. “Mag-order ka lang ng gusto mo,” sabi ko at napatingin sa phone ko na kanina pa nagvi-vibrate. Nakita ko sa screen ang pangalan ni Tito Antonio. Hindi ko sinagot ang tawag niya, naiinis ako sa kanya. Kaya pinatay ko muna ang phone ko. “Bakit mo pinatay?” tanong ni Jessa. “Istorbo lang ‘yon,” natatawang sabi ko. Gusto ko mag-enjoy sa gabing ito. Ilang oras na kami dito sa club ni Jessa. Nagpasundo na rin siya sa boyfriend niya, kaya hinihintay namin. Kaya ko pa naman umuwi sa hotel, kaya ko pa rin maglakad. “Ayan na ang pogi kong boyfriend!” Turo ni Jessa na lasing na. Paglapit ng tricycle, bigla niyang hinalikan ang driver. Ito na yata ang boyfriend niya. “Ito nga pala ang boyfriend ko. Ito nga pala si Gen, bago kong kaibigan!” masayang pagpapakilala niya sa akin. “Sorry kung inaya ko siyang uminom. But don’t worry, dalawa lang kami. Wala kaming kasama,” paliwanag ko, baka bigla silang mag-away ni Jessa. “Okay lang,” nakangiting sagot ng boyfriend niya. “Pwede ba natin siyang isabay? Sa hotel na pinagta-trabahuan ko. Doon natin siya ihahatid,” sabi ni Jessa. “No, I’m okay. Mag-taxi na lang ako,” sabi ko, pero hinila niya ako sa loob ng tricycle. Wala naman akong magawa kaya hinayaan ko na lang. Nakapatong na nga ang ulo ni Jessa sa balikat ko. Mukhang tulog na siya. Lakas rin ng amats ng babae na ‘to, naka dress kami pero makabukang-kang wagas! Hanggang sa nakarating kami sa harap ng hotel. Bumaba naman agad ako. “Thank you,” pasasalamat ko. “Walang anuman po, ma’am. Kayo pala yung nakwento sa akin ni Jessa na intern. Ang bait mo daw. Pasensya na, madaling malasing itong girlfriend ko,” nakangiting sabi niya. “Ah, isang bagay pa… sorry if Jessa is drunk. Inaya ko kasi siya bigla,” sabi ko. “Ayos lang po, ma’am. Nagpaalam rin siya sa tawag kanina,” sagot naman niya. “Okay, good. Mauuna na ako, take care of Jessa,” pagkasabi ko ay nagpaalam na rin siya at umalis na sila. Pagpasok ko sa hotel, nakita ko agad si Tito Antonio na seryoso ang mukha. Hindi ko siya pinansin at diretso ako papunta sa elevator. “Geneva!” tawag niya sa akin, pero hindi ko siya pinansin. “Where did you go?” tanong pa niya, pero hindi ako sumagot. Hinabol niya ako at hinawakan ang braso ko. Seryoso siyang nakatingin sa akin. “What?” malamig kong tanong. “Saan ka pumunta? Kanina pa ako tumatawag! You didn’t answer my calls!” Sa boses pa lang niya ramdam ko ang pag-aalala niya. “Stop pretending that you care about me,” malamig kong sabi sa kanya. “Tito, I want to sleep. Bukas na tayo mag-usap,” sabi ko at pumasok na sa elevator. Nagulat ako kasi sumunod pala siya. “Are you drunk!?” I rolled my eyes. Tanong ng tanong. Sabi ko bukas na kami mag-usap. “Ano namang pakialam mo? Isusumbong mo ako kay Daddy! Just go for it!” inis kong sabi. Nagagalit ako at naiinis sa kanya. “Geneva! Bakit? Anong problema? Just tell me,” hinahabol pa rin niya ako hanggang sa makapasok ako sa room ko. “Gusto mo malaman kung anong problema ko? Ikaw! I thought you were being sweet to me. I thought you were starting to like me. All those things you said before… what were they? Trip-trip lang ganon?” sabi ko at iniwas ko ang tingin sa kanya. “Even if I do like you, what am I supposed to do? You’re my friend’s daughter, Geneva,” napakunot ang noo ko sa sinabi niya. “Gusto kong maliwanagan, Tito! Wala namang tayo pero kung makaa-asta ka, para kitang boyfriend!” naguguluhan kong sabi. “Gusto kita, Geneva. Pero paano? Paano pag nalaman ng Daddy mo?” Parang nabuhayan ang puso ko sa sinabi niya. “A-anong sabi mo? Gusto mo ako?” ulit kong tanong sa kanya. Hindi siya sumagot at hinalikan niya na lang ako. Hanggang ang kamay niya ay napunta na sa aking dibdib. Napahinto siya at napakatingin lang sa akin. “I don’t want to rush you. I want every moment with you to be real. We can take it slow, ayaw kitang pilitin.” Tumango naman ako dahil naiintindihan ko naman siya. And we cuddle all night! No s*x at all. All is clear to me. — Paggising ko, may nakahanda nang breakfast sa dining table. Napangiti ako dahil alam kong si Tito Antonio ang may gawa nun. Napangiti tuloy ako bigla. Kumain muna ako bago maligo. Naalala ko ang mga lambing niya kagabi. Sobrang sarap sa pakiramdam na katabi ko siyang natulog magdamag. Ang sarap ng tulog ko at hindi ako nagising nang maaga. Naalala ko rin na uminom pala kami kagabi ni Jessa, kaya medyo masakit pa ang ulo ko. Nagmadali na akong kumilos para makapag-time-in na. Pagbaba ko, nasalubong ko si Jessa na mukhang late din. Natawa na lang ako sa isipan ko. “Hangover?” agad kong tanong kay Jessa at natawa siya. “Oo, sis! Paggising ko, sobrang sakit ng ulo ko. Pinilit kong pumasok—nasasayangan rin kasi ako. Teka, wala kang hangover?” tanong niya rin sa akin. “Medyo lang. Uminom ka lang ng maraming tubig para mawala ‘yung hangover mo. Pero sure ka na kaya mong mag-work ngayon?” nag-aalala kong tanong. “Oo naman! Ako pa?” nakangiti niyang sagot. Nag-start na kami magtrabaho. Madami ring pupunta sa hotel ni Tito Antonio. Naalala ko tuloy siya. Nasaan kaya siya ngayon? Sigurado akong busy na naman ‘yon sa trabaho niya. Habang abala kami sa trabaho, nakita ko si Tito Antonio na may mga kausap. Siguro mga investors niya. Mas lalo tuloy siyang pumupogi dahil sa suot niya. Napansin ko rin na nagpagupit siya dahil nasabi ko kagabi na medyo humahaba na ang buhok niya. Napangiti ako bigla. “Bakit, sino ang nginingitian mo diyan?” natauhan ako sa boses ni Jessa. “W-Wala lang. May kasama ka mamayang lunch? Sabay tayo,” sabi ko, sabay iwas sa usapan namin. “Oo naman! Ililibre kita. Doon tayo sa paborito kong karinderya. Ay teka—kumakain ka ba sa karinderya?” tanong niya, kaya tumango ako. “I tried it once pa lang,” natatawa kong sagot. “Ay wow! Pero hindi ka magsisisi sa karinderya na kakainan natin mamaya. Masarap ang mga luto nila doon, kumpara sa iba na sobrang onti ng ulam! Tapos ang mahal pa,” reklamo niya. “Gano’n ba? Sige, sabay tayo mamaya,” sabi ko at ngumiti naman siya. Biglang lumapit si Tito Antonio sa akin. “Where are you planning to eat?” Parang bossy naman si Tito Antonio kung makatanong! Narinig kaya niya ang usapan namin ni Jessa? “S-Sabay po kami ni Jessa,” sagot ko sabay turo sa kanya. “Okay.” Ngumiti si Tito Antonio at umalis na. “Pogi pala si Sir Antonio pag ngumiti, no? Minsan lang kasi ngumiti ‘yan,” sabi ni Jessa na ikinagulat ko. Minsan lang? “So, hindi siya palangiti?” tanong ko. “Minsan lang. Depende siguro sa mood niya,” natatawa niyang sagot. “Ilan taon ka na pala, Gen?” tanong niya. “Twenty-three. Ikaw?” Napakunot ang noo niya. “Akala ko twenty ka pa lang! Hindi halata na twenty-plus ka na. Ako, twenty-four years old. Mukha na nga daw akong may anak, pero wala pa naman,” natatawa niyang sabi. “Grabe naman sa may anak!” sabi ko, at natawa na lang siya. “Ilang weeks kang intern dito?” Para tuloy kaming nag-Q and A. “Two weeks lang,” sagot ko. “Ay, two weeks lang tayo magsasama? Nakaka-sad naman.” Ramdam kong nalungkot siya bigla. “Minsan na nga lang ako magkaroon ng kaibigan, sa intern pa,” sabi niya. Nagulat ako sa sinabi niya. “Bakit, wala kang kaibigan o close dito na ka-workmates mo?” tanong ko. “Wala. Ayaw nila akong kausapin o lapitan. Hindi naman ako nangangain.” Napaisip ako. Baka nahihiya lang sila. First impression ko rin sa kanya ay masungit siya. Pero hindi naman pala siya masungit. Kalog kaya siya at makulit. Hindi rin siya mahirap na kaibiganin, kaya nga naging close rin kami bigla. “Baka nahihiya lang sila sa’yo na lapitan ka.” Sabi ko. “Buti na lang nakilala kita, sis! Pero bisitahin mo ako dito kapag tapos ka na sa internship mo,” paalala niya. “Oo naman, no!” sagot ko sa kanya. “Aayain rin kitang lumabas, syempre! Tsaka kukunin ko ang number mo para matawagan or text.” Sabi ko at ngumiti naman siya agad. “Sige. Para naman may bumibisita sa akin dito. Kung day off ko, pwedi rin naman kitang bisitahin. Basta sabihin mo kung nasaan ka.” Para tuloy kaming nagpapaalam sa isa’t-isa. Pero ramdam ko rin na totoo ang nabuo naming friendship.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD