Chapter 53

834 Words

Balik sa trabaho na ang lahat, habang nandito ako sa office ay antok na antok ako. Hindi ko ba alam kung bakit, maaga naman ako natulog kagabi. Siguro dahil pagod pa rin ang katawan ko sa team building. O baka dahil lunes na lunes, tapos ang dami ko agad nakatambak na reports sa desk ko. Baka naman dahil kagabi, bago ako matulog, matagal akong nakatulala sa kisame habang iniisip ang lahat ng nangyari nitong mga nakaraang araw. Hays. Pakiramdam ko talaga pagod na pagod ako! Napabuntong-hininga ako habang nakatitig sa monitor ko. Ang daming emails. Ang daming kailangang i-sort. Ang daming kailangang i-print at ipa-sign. Para bang walang pakialam ang trabaho sa katotohanang gusto ko pang humiga buong araw. “Gen.” Napatalon pa ako nang biglang may pumitik sa noo ko. “Aray!” Inis kong sabi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD