Pagkatapos namin mag lunch ay napatingin ako kay Allen. Bigla tuloy akong na-guilty kasi pinagtanim ko siya kanina. Tahimik siya at alam kong nabigla ako sa pag utos sa kanya. Kapag hindi kasi niya ginawa, sasama ang pakiramdam ko. Normal lang ba ‘to!? Tapos pag nagawa niya ang gusto ko sobrang saya ko. Paano na lang kaya pag umuwi na siya? Siya pa man din gusto ko laging makita at makasama. “Allen? Sorry,” sabi ko at nagulat siya sa sinabi ko. Kumunot pa ang noo niya. “Ha? Bakit? Wala ka namang kasalanan.” Sabi agad ni Allen habang inaayos ang buhok niya dahil kaliligo lang niya. Pawis na pawis rin siya nang matapos siyang nagtanim. “Pinagod kita kanina, pinagtanim kita.” Mahinang sabi ko at narinig ko siyang natawa. “No worries. I am okay, Gen. ‘Wag kang mag isip ng kung ano diyan.

