48 The next game, hindi na ako sumali. Nasa kwarto lang ako at inaatake ako ng migraine ko. Sa sobrang init siguro, sinabi rin nila Jessa na magpahinga muna ako. Sasabihan na lang daw nila si Allen. Biglang pumasok sila Kyla na may dalang gamot at bottled water. Kaya naman napaupo ako agad. “Gen, inom ka muna ng gamot. Tapos ito,” nakita ko ang plato na may mga apple, oranges and pears. “Bigay ni Sir Allen, kainin mo daw.” Sabi naman ni Miya at tumango ako. “Pakisabi, thank you.” Pilit na ngiti na sabi ko habang kinakain na ang prutas na bigay ni Allen. “Wala ka lang, ang dami ng umaaligid kay Sir Allen na mga ibang department.” Sabi ni Jessa na para bang naiinis. Natawa na lang ako sa sinabi niya. “Pogi kasi siya, sis!” Sabi naman agad ni Miya. “Ang feeling nila! Hinahawakan pa ni

