AFTER 3 MONTHS Mabagal ang galaw ko habang pababa ng hagdan, isang kamay nakahawak sa railings, yung isa nakaalalay sa tiyan ko. May kinuha kasi ako sa taas, sa dati kong kwarto. “Gen, dahan-dahan,” agad na sabi ni Anton mula sa sala, halos mapatayo na siya sa pagkakaupo. Napailing ako. “Hindi ako babagsak,” sagot ko, pero hindi ko rin napigilang ngumiti. Tatlong buwan lang ang lumipas, pero parang ang daming nagbago. Mas maingat siya ngayon. Lalong umingat. “Come here,” sabi niya, lumapit agad at inalalayan ako kahit hindi ko naman hinihingi. Hinayaan ko na. “Grabe ka na talaga,” sabi ko. “Simula nung nag-third trimester ako, parang hindi mo na ako pinapalakad.” Natatawang sabi ko. “Eh paano kung madulas ka?” sagot niya agad. “Tiled floor ‘to, hindi ice rink.” Sabi ko agad. “

