“Free ka ba mamaya? Gusto ko sana kayo makita ni Anton.” Text messege ni Jessa. Parang bumilis t***k ng puso ko. Napatingin ako kay Anton na katabi ko. “Si Jessa. Gusto niya tayong makita.”Mahina kong sabi. Agad siyang tumingin sa akin. “Ready ka na ba?” Hindi ako agad nakasagot. Paano ka ba magiging ready sa ganitong bagay? Pero agad rin kaming umalis ni Anton at si Sebby ay nandoon kay Daddy. Pagdating namin sa condo ni Jessa at nagulat ako dahil nandoon sila Allen at Kyla! Nagkatinginan pa kami ni Anton. Humigpit ang hawak ni Jessa sa unan habang salitan niyang tinitingnan sina Allen at Kyla. Tahimik ang buong sala, pero pakiramdam ko, parang napakalakas ng t***k ng puso naming lahat. “Anong meron?” tanong Jessa, this time mas mahina na ang boses niya. Napayuko si Kyla habang

