After one week, simula ng maikwento ko sa kanila ‘yon ay hindi na nila ako tinigilan asarin. Gen! Finally!” sigaw ni Jessa nang makita niya ako. Halos iwinagayway pa niya ang kamay niya na akala mo matagal akong nawala. Kanina lang magkausap kami! Napahinto ako sa paglalakad habang hawak ang bag at tumbler ko. “Bakit? Anong meron?” tanong ko. “Girl, huwag mong sabihing hindi mo pa rin alam.” Agad namang sabi ni Jessa. “Ano nga?” tanong ko habang umupo sa katabing upuan nito. Lumapit si Kyla na may dalang printed paper at nakangising parang may malaking chismis! “Meeting today for team building. Final planning. Venue, games, room assignments, budget, lahat na.” Napakurap ako. “Ah. Kaya pala ang iingay n’yo.” Sabi ko at kumunot ang noo ni Kyla. “Excited kami, hello?” sagot agad ni

