Pagdating ko sa hotel ay nginitian agad ako ng guard sa pinto. Pati ang mga ibang empleyado, ngitian rin ako. Sasakay na sana ako ng elevator ng humabol si Allen na sumakay. Ngitian niya ako at ganon rin ako sa kanya. Nakita kong naka semi formal siya, bagay sa kanya. “Okay ka na?” He asked then I nodded. “Oo naman. Okay lang ako.” Sabi ko at tumango na lang siya. “Nag send ako ng mga files for our upcoming meetings. Check mo na lang sa email mo.” Ngumiti siya at saktong nagbukas na ang pinto ng elevator. Mukha siyang hands on sa hotel. Nakita ko naman si Alena na umirap sa akin. Hindi pa ako tapos sa kanya. “Huy! Kamusta ka?” nagulat ako kila Jessa na biglang umakbay sa akin. “Kamusta ka?” ulit na tanong nila Kyla sa akin. “Ayos naman ako. Parang ang tagal naman nating hindi nag

