Ilang araw ko nang hindi pinapansin si Anton, busy rin siya sa mga meetings niya kaya minsan lang kami magkita. Nakakapanibago nga kasi hindi naman siya ganito sa akin. Parang ibang-iba siya ngayon! Masakit pero kailangang maging professional dahil sa trabaho namin. Pero nakakapagod rin dahil lagi kaming nagtatago. Ang hirap ng set-up namin ni Anton. “Nakita mo na ba ‘yung kumakalat? Picture niyo ni Sir Antonio.” Napakunot ang noo ko at kalaunan ay kinakabahan. Pinakita ni Jessa yung picture at ito yung magkasama kaming dalawa sa beach habang yakap-yakap ko siya. “Totoo ba ‘to, Gen?” Mahinang tanong ni Jessa. “Hindi ko sasabihin sa iba, umamin ka sa akin.” Kalmadong tanong niya. “O-oo, kami ‘yan.” Sagot ko at medyo nanginginig yung kamay ko. Hindi ko alam ang gagawin ko! “Kumalm

