Nagkayayaan kami nila Jessa, Kyla at Miya na mag bar. Biglaan tuloy akong nagkaroon ng circle of friends! Napangiti tuloy ako habang tinitignan ko silang masaya nagkaroon nagkwe-kwentuhan. “Kapatid mo ‘yon? Talaga?” Hindi makapaniwala si Kyla na magkapatid talaga sila ni Jessa at ni Alena. “Hmm, kapatid ko talaga siya. Anak siya sa labas. Hindi ko naman pinagkakalandakan pero yung ugali niya kasi sobra. Pinakilala nga siya sa aming magkakapatid. Siya pa ang nagmataas.” Inis na sabi ni Jessa habang tuloy sa pag-inom. “Tanggap mo siya?” Isa ring itong si Miya. “Wala namang masama kung anak siya sa labas. Pero nong nagpunta siya sa bahay parang tinalo niya kaming mga totoong anak! Makautos sa magulang namin akala mo lumaking mayaman. Eh, hindi naman!” Parang ramdam ko pa ang galit at inis

