Ilang araw ang nakalipas nang mailigtas namin si Jessa, at nakulong na rin ang boyfriend niyang bumugbog sa kanya. Malaki ang pasasalamat ng lola ni Jessa dahil doon. Malaking tanaw na loob daw niya sa akin pero sabi ko walang kapalit ang pagligtas namin kay Jessa. Kaibigan ko si Jessa. “Gen! Bigay ni Lola,” sabi ni Jessa sabay abot sa akin ng nilagang saging. Napangiti naman ako. “Salamat! Pakisabi kay Lola. Nga pala, kamusta ka?” tanong ko habang kumakain. “Okay na ako. Ikaw? Ilang araw na lang, tapos na ang work mo dito,” sagot niya. Nalungkot siya at halata iyon sa boses niya. “Dadalawin kita kapag graduate na ako. Pwede naman tayong lumabas sa graduation ko. Wala rin naman akong kasama,” pag-aaya ko. “Sige. Sabihan mo agad ako para makapag-day off ako,” sagot niya. Napansin ko a

