Chapter 61

716 Words

Pagkatapos naming kumain ay nagpumilit akong tumayo para lumipat sa sala. Syempre, si Allen agad ang umalalay sa akin. “Pwede ko pa naman lakarin ‘to,” sabi ko. “Hindi ko naman sinabing hindi,” sagot niya. “Ina-alalayan lang kita.” Parang lasing lang ako kasi kailangan pang alalayan niya ako. Pagdating sa sala ay maingat niya akong pinaupo sa mahabang sofa. Kinuha pa niya ang maliit na unan sa gilid at ipinatong sa likod ko. “Ayan, para hindi sumakit masyado likod mo.”Napangiti na lang ako. “Parang sanay ka na.” Nakangiting sabi ko. “Tumatanda na rin ako. Marami na akong natututunan.” Seryosong sagot niya. “Wow. Grabe sa tumatanda.” Napatawa na lang ako. Maya-maya ay umupo rin siya sa tabi ko, hindi masyadong dikit, pero sapat para maramdaman kong hindi ako nag-iisa dito sa sala

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD