27 Kinabukasan ay maaga rin umuwi ang tatlo dahil may trabaho pa kami ngayon. Naghanda na rin ako para makapasok na. Sana nga nakalimutan nila yung picture na kumakalat. Pero alam ko naman kung sino nagpapakalat, si Alena lang. “Good morning po.” Bati ng mga ibang staff sa akin. “Nandito na pala ang malanding secretary.” Parang nag init ang tenga ko sa sinabi niya Alena mula sa likod ko. “Anong sabi mo?” naningkit ang mata ko sa sinabi niya. “Malandi.” Talagang inulit pa niya. Kinuha ko ang cellphone ko at pinakita ang isang picture. Picture niya at ng isang bellboy na gumagawa ng milagro. “Ito? Hindi ba ito malandi?” halos hindi maipinta ang kanyang mukha. “Burahin mo ‘yan!” galit na sabi niya at pinagtitinginan na kami. Lumapit na rin si Kyla sa akin. “Mas malandi ka. May asaw

