Punch of Love

759 Words
"Oh, Ara.. bakit parang dinaanan ng bagyo yang mukha mo?"... tanong ni Niah "Oo nga.. at nasaan yung notes mo?" -Gabriel. "Ahh... Niah. pwede bang pa picture ng notes mo?.." tanong ni Ara "Oo naman.. Eh pero teka lang Ara, tumingin ka nga samin...Nasaan ang reviewer mo?" tanong ni Niah. "Nawawala eh.." Tanging sagot ni Ara. "Ano..?"-Gabriel "Oo"-Ara "Oh, heto.. picturan mo nalang yung akin"-Sagot ni Niah. Pinicturan ni Ara ang lecture. At habang nasa bahay si Ara at isinusulat muli ang lecture,iniisip nito ang mga ginawa ni Justine sakanya. Galit na galit at sobrang sakit na nang kamay ni Ara kakasulat at halos abutin na siya ng 1 am. Sinabi nito sa sarili na... "Isa nalang.. mapupuno na ako sayo Justine" sabi ni Ara. Natulog na ito. Kinaumagahan ay antok na antok at hikab ng hikab si Ara habang kumakain. Napansin ito ng mama ni Ara,kaya't kinalabog nito ang lamesa at nagulat si Ara. "Hooy! ano ba? anong oras ka nanaman ba natulog kagabi,huh?"tanong nang mama ni Ara. "Daig mo pa ang lantang gulay" sabi ng papa nito. "Nag review ako maa,." sagot naman ni Ara. "Ahh.. yun naman pala eh"-Sagot ng Mama nito. "Anong oras ka natulog?"-tanong naman ng papa nito. "1am. Ge, ma,. pa.Malelate na po ako. kailangan ko ng maligo."-sagot ni Ara. Naglalakad si Ara papasok ng school ng pumunta sa likod niya si Justine at sinabing.. "Masakit ba ang kamay mo kakasulat kagabi?.." Pang iinis na tanong ni Justine. Nainis si Ara dito at napahinto.. "Oo nga pala,yung notebook na nasa rooftop,ang poor ng brand.Dapat sa ganun, nasa basurahan.Diba guys?" -Justine Di kumikibo ang tatlo,tumalikod at aalis na sana sila Ethan,Marcus at Dylan ng biglang sinuntok sa mata ni Ara si Justine.Nagulat ang lahat,Pati ang buong F4 at mga nakakita na estudyante dito.Nahilo ng bahagya si Justine,at di kinaya na maglakad ng mag-isa.Di makapaniwala si Justine kaya nagpa akay,o nagpa tulong ito sa tatlo para idala siya sa F4's private VIP room para mag palamig at mag pa kalma... Habang nag papahinga ang F4 sa VIP room ng campus. "For the 1st time,naging kalamay ang mukha ni Justine" pang aasar na sabi ni Dylan. Sabay tawa ng mga barkada nito. "At eto pa ang masaklap,si Punch Girl Ara pa ang nakagawa nito hah,.." sagot naman ni Marcus. Patuloy na nag tawanan ang tatlo,Habang si Justine ay patuloy na nag dadampi ng yelo sa black eye nito. Nagalit si Justine,at inilapag ang tela na may bote at may yelo sa lamesa sabay tayo nito. "Hindi ako papayag;gagantihan ko siya" wika ni Justine. Umupo ulit ito. "Pero pano?"sabay tanong nito sa sarili niya. "Mukhang matapang si Ara diba?" tanong ni Ethan. "Anong matapang don?" sagot naman agad ni Justine. "This.. use my shades for a while"alok ni Ethan. "Oo nga Justine, para naman di ka mag mukhang kawawa" pang aasar na sagot ni Marcus. "Mukha ba akong kawawa?!!!..Yung damit ko,from U.S pati yung shoes ko from Paris.. At itong mukha na toh?.... haytss.. napakalakingg ka immmmmm....." -Justine Hindi na pinatapos nila Ethan si Justine at lumabas nalang ng VIP room. "Hooyy,,.!!! teka san kayo pupunta??..hintayin niyo nga ako...!" sigaw ni Justine. Hindi nila ito pinansin. Tumakbo naman sa rooftop si Ara,at isinigaw na. "Justine!sa wakas!....siguro naman titigilan mo na ako!!" sigaw ni Ara. Narinig ito ni Ethan ng paakyat siyang mag isa sa rooftop. "Wag kang pakasisiguro,hindi mo kilala si Justine" sumbat ni Ethan. "Pinapunta ka ba ni Justine dito para sabihin yan?" tanong ni Ara. "I don't even care if thats what you think.. oo nga pala,ang tapang mo kanina" sagot ni Ethan. "Matapang talaga...... teka... set-up siguro to ano?...sasabihin mong di mo kasama mga barkada mo tapos may nasabi akong di maganda,biglang lalabas yung tatlo para itulak ako dito sa rooftop?!!...." sagot ni Ara. "Ang advance mo naman mag-isip.. kung tutuusin, hindi ko naman na kailangan pa silang tatlo, actually kahit ako kaya ko naman gawin yun. Tsaka wala naman akong pake alam sa kung anong away ninyo. its not a part of my business" sagot ni Ethan. "Eh ano namang ginagawa mo dito?" tanong ni Ara. "Note that bago ka pa nakatapak at nalaman ang lugar na ito,nandito na ang F4." sagot ni Ethan. "Ahhh.. ganun po ba.... sige po hahhh... babalik nalang po ako dito....kapag may problema po ulit ako....o kaya gusto ko pong umiyaaak..." sagot ni Ara. "Gooo. I dont care" sagot ni Ethan. Umalis na nga si Ara sa rooftop. Habang naglalakad ito sa campus kasama sila Gabriel ar Niah. "Grabe Ara,ano ba talagang totoo na nangyari kanina?"tanong ni Niah. "Oo nga... ang kilala kong Ara hindi basta basta nananakit ng wala naman sanang dahilan" sagot ni Gabriel. "Pero meron naman akong dahilan..." sagot naman ni Ara sa dalawa.. "Eh ano nga?"tanong ni Niah.. "Kahapon naiwan ko yung notes ko sa rooftop,pero pag dating ko doon,wala na...Yung lecture notebook ko,punit punit naa,..Tapos may nakasulat pa na pangalan ng mayabang nayun...kaya kagabi,pag dating ko sa bahay, anong oras na ako natapos na magsulat.." sagot naman ni Ara. "Ganun ba?,kaya pala pinicturan mo yung lectures ko nung araw nayun,nagtaka nga ako sayo eh"-Niah. "Oo.. pero teka.. bakit parang ang bilis naman ata ng balita?" tanong ni Ara kila Niah "Buti sana ay kung ang nangyari ay nanuntok ka ng ibang tao tapos hindi famous,baka nga abutin pa ng isang taon bago malaman eh.Pero hindi ehh.. Ang pinatulan mo lang naman ay ang isa sa F4 na sobrang famous heartrob sa campus naten.." sagot ni Gabriel. "Haytsss... anubayan.."-Ara "Alam niyo, tara na.." pinutol na ni Niah ang usapan. Pag dating ni Ara sa bahay nila.. "Oh,.. ma,.. bat ang gulo naman po ng bahay?" tanong ni Ara. "Yang papa mo kasi,kanina pa pukpok ng pukpok ng martilyo,hindi na nga alam kung saan isasabit yang mga picture frames nayan." sagot ng mama ni Ara. "pa, mas maganda to" -Ara sabay abot ng frame ng family picture nila. "Naalala ko itong picture na ito ehh... eto yung picture pagtapos ng highschool graduation mo"-sagot ng papa ni Ara. "Sus,pero ang ganda mo diyan anak,para kang birhen,manang mana ka sa Nanay" wika ng mama ni Ara. "Anong sayo?..sakin kaya.." sagot naman ng papa ni Ara. "sakin kaya." sagot ng mama ni Ara. "Hinde, mali ka.. sakin"-sabi naman ng papa nito. "Hay, nako mama, papa, tumigil na nga po kayong dalawa.." sabi naman ni Ara Sabay alis nito, at pumasok sa kwarto niya. Hapunan,.. habang kumakain sila Ara. "Alam nio po ba, ma, pa,ang sarap sarap ng pakiramdam ko ngayon,grabe para akong nasa langit" kwento ni Ara. "Nasa langit?...Ara,... umamin ka nga...? nag d-drugs ka ba?" tanong ng mama nito. "Anoo?! hoyy..kailan ka pa natutong gumamit nun huh?.." sagot naman ng papa nito. "Mama,?papa?,ano po bangnsinasabi ninyo?ang sabi ko po, para akong nasa langit dahil sa tuwa..kasi nga po,yung mayabang na lalaki na red highlighted man na sumira ng notes ko sa med. class,nagantihan ko na.." sagot naman ni Ara. "Teka,.. pumatol ka sa lalake? pano kung bugbugin ka nun? o baka naman pilayan ka?" tanong ng mama nito. "Hay nako, talagang si Mama, umandar nanaman ang pagka OA." -Ara "Dati pa ganyan ang mama mo,.sobrang advance kung mag-isip" sagot naman ng papa nito. "Sige po mama, papa.. pasok na po ako sa kwarto." sabi ni Ara Pumasok ma si Ara sa kwarto nito at humiga.Niyakap nito ang teddy bear niya,at naalala si Ethan dahil sa sinabi ng tatay nito na pagiging Advance mag isip sa rooftop.Sabay ngiti. "Gwapo at mukha namang mabait si Ethan" sabi nito sa sarili. kinaumagahan, habang naglalakad si Ara sa Campus ay nasalubong nito ang F4. Habang naglalakad ay tinitignan ni Justine si Ara.Pero inirapan lang ito ni Ara.At habang naglalakad naman si Ara ay pinag titinginan ito ng ibang estudyante. "Grabe, ..ang bilis ng balita..gano ba siya ka importante sa campus at mga Estudyante dito para pag tinginan nalang ako ng ganun?" tanong ni Ara sa sarili nito. binuksan ni Ara ang cellphone niya at tinignan ang gc ng buong campus students,at doon ay nalaman niya na usap-usapan ngayon ang ginawa nito kay justine.Karamihan sa nga sinasabi ay kawawa naman si Justine,baguhan palang si Ara ang yabang na at marami ang naiinis. pag pasok nito sa med class ay nag checheck na ng attendance ang professor nila.Sakto naman na pag upo nitonay ang pagtawag sa pangalan nito. "Laurel Ara"-Professor "Present Prof." sagot naman ni Ara. "Ara,bat naman ngayon ka lang?heto,chocolate cookie chips gawa ni mama, thankyou gift daw yan para sa pasobra na cupcakes. Masarap yan." sabi ni Niah. "Salamat. mukang masarap to ah"-Ara Binuksan ni Gabriel ang lalagyan para kumuha ng isa pero pinigilan siya ni Niah. "Tekaa,..wag yan.. syempre binaunan din ako ni mama" sagot ni Niah. "Wow, ah. patikim ako" sagot ni Gabriel. "Oh,.. yan na" sagot naman ni Niah. Kinakain nila ang cookies habang may klase. after 5 mins. ay nag ring na ang bell. sign na tapos na ang klase nila. "Ahh guys,may pupuntahan lang ako saglit. mauna na kayo sa cafeteria" sabi ni Ara. "Teka, eh san naman ang punta mo?" tanong naman ni Gabriel. "Basta" sagot ni Ara. Tumakbo si Ara, papunta sa Rooftop. Pag akyat naman nito ay may narinig siya tumutugtog ng gitara kaya hinanap niya ito. Sa isang sulok, doon ay nakita nito si Ethan na tumutugtog.Kaya nilapitan niya ito.Nung una ay hindi siya napansin ni Ethan. "Tumutugtog ka pala niyan?" tanong ni Ara "Ah,.. Oo..I play different musical instruments" sagot naman ni Ethan. "Ahmm.. gaya nang?.." Tanong ni Ara. "Guitar,harmonica,violin,piano and more on." sagot ni Ethan. "Wala akong talent sa pag tugtog ng musical instruments." kwento ni Ara "But did you know how to sing? tanong ni Ethan "Oo,pero sa bahay lang eh.. kasama ko sila mama at papa" sagot ni Ara "Then proove it.. sabayan mo itong gitara" sagot ni Ethan. "Teka,anong kanta ba yan?-tanong naman ni Ara Inumpisahan ni Ethan ang pag strum ng gitara.(I like you so much you'll know it by:ysabelle cuevas") "Teka,alam mo yang kanta na yan?" tanong ni Ara "I allready told you. I am not just a famous F4 but also a musicals Expert."sagot naman ni Ethan. Tinugtog na nga ni Ethan ang kanta at sinabayan ito ni Ara.Ng marinig ni Ethan ang boses ni Ara ay ngumiti ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD