Prologue

203 Words
Alam mo yung pakiramdam na nagmumuni-muni ka lang sa gilid ng kalsada habang ninanamnam yung sarap nung pandesal na binili mo mula sa maarteng panadera?  Tapos bigla ka nalang hinintuan ng isang magarang lemosene? Tapos dinakip ng mga babaeng pare-parehong nakashades at itim na mga suit? Tapos dinala ka nila sa isang hindi pamilyar na lugar? Tapos nang magmulat ka ngga mata ay nasa ibang bansa ka na? Tapos nasa korte ka na dahil ikakasal ka na pala?  Tapos napag-alaman mong yung mapapangasawa mo ay sobrang nakakatakot?  Walang kaimik-imik.  Walang karea-reaksyon.  Walang emosyon.  Walang pakielam.  Tapos malaman-laman mo nalang, kaya ka pala dinakip ay dahil isa syang Mafia Queen at wala syang ibang mapagpipilian kundi ang pagtiisang pakasalan ang isang engot na gaya mo?  Syempre hindi nyo alam yon! Eh bakit ko ba kasi kayo tinatanong!? Ano nga namang malay nyo sa mga pinagsasabi ko? Eh ako lang naman ang nakaranas non! Malamang hindi nyo alam yung ganong pakiramdam!  Ako si Liam, isang gwapong pulubing may amnesia na nakidnap ng mga babaeng naka-itim para pakasalan ang isang manhid at nakakatakot na babaeng nagngangalang Monica Saavedra. At alam nyo ba kung ano sya? Shhh! Secret lang natin hah? Nagpakasal ako sa isang MAFIA QUEEN.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD