Chapter 48 (Third Person's POV) Dose-dosenang mga kalalakihan na nakaputi ang nakahilera ng tag-sa-sampu kada linya at taas noong nakatingin sa harap. Lahat ay seryoso, may ibang kinakabahan at may ibang handang-handa ng sumabak sa laban. Malaki ang respeto nila sa taong nasa harap nila, karamihan sa kanila ay mga dating nadakip na kalaban ngunit binigyan ng pangalawang pagkakataon para mabuhay kapalit ng tapat na pagseserbisyo sa organisasyon. Marami rin sa kanila ang nailigtas sa kamay ng ibang sindikato, binigyan ng tyansang mamuhay ng normal palayo sa ilegal na mundo ngunit mas piniling manilbihan sa kanila bilang pasasalamat sa pagligtas sa buhay nila. Nagtipon-tipon silang lahat sa assembly hall ng Styx building. Kinakabahan sila, sa susunod na gagawin nila ay hinding-hindi na si

