"Ser, kilala n'yo po ba?" Tanong ng isang pulis nang mapansin ang reaksyon ni Chardon. Napatakip sa kanyang bibig ang binata at tila biglang bumaligtad ang kanyang sikmura at parang masusuka ito. Sinenyasan n'ya ang lalaking nagbaba ng talukbong na ibalik na ang takip sa bangkay. Nakatingin at naka-abang ang mga pulis sa sagot niya. Nang mahimasmasan na ay: "No, it's not her." Napabuntunghininga siya. 'Fortunately.... fortunately, it's not her.' Binalingan niya ang isang pulis na malapit sa kanya. "Why is it swollen like that?" "Ha...? Kasi ser, mag-iisang linggo na raw nawawala 'yan. At dahil babad sa tubig, kaya lumobo nang ganyan." Sa isang tingin lang ay agad nalaman ni chardon na hindi ito ang babaeng kanyang hinahanap. Hindi dahil sa iba na ang ayos at hitsura nito, kung hindi, d

