"G-girlfriend?!!" Exaggerated na reaksyon ni Adelaida, ang mama ni Marisol. Napatakip ng kan'yang tenga si nanay sela sa matinis na boses ng ginang. Hindi n'ya akalaing sa kabila ng hitsura't pustura nitong pang-mayaman ay may pagka-palingkera pala ito. "Opo ma'am. Girlfriend nga ni ser Chardon itong si Marigold." Paglilinaw niya na halos ikataranta ni marigold. Gustong awatin ng dalaga si nanay ngunit nakita tuluy-tuloy at tila ganado ito sa pagsasalita. "At baka hindi na rin magtagal ay maging mistress na rin si Marigold dito sa villa. Sinasabi ko po ito sa inyo para sa susunod ay alam n'yo na at para hindi na kayo mag-isip nang hindi maganda kay marigold." Hindi naikubli ni nanay sela ang pagka-irita n'ya sa mag-ina sa paglalahad nito. Biglang namutla si Marisol. Napayuko ito habang

