Napatakip sa kanyang mga mata si marigold nang matapat at masilaw sa medyo may kataasan nang sikat ng araw sa bintana, kaya tumagilid s'ya't humarap sa pader. Maya-maya ay napabalikwas s'ya ng bangon. Bigla niyang naalala ang alingawngaw at ilang palitan ng putok ng baril sa Airport, napatakip s'ya sa kanyang tenga. Ngunit nang walang marinig ay nagtaka s'ya, at nang lumingon siya sa paligid ay saka n'ya lang napansin na nasa isang kuwarto s'ya. Nanlaki ang kanyang mga mata nang mamasdan ang kabuuan ng silid, dahil...... ito ang kuwarto niya sa Antique. 'Anong nangyayari? N-nasa... nasa Antique ba 'ko?' Bumaba ng kama si Marigold ay sinuri ang paligid. Nagalak ito nang makumpirmang ito nga ang kuwarto n'ya. Dali-dali siyang lumabas para hanapin ang kanyang ina. Nang hindi n'ya ito makit

