"Ay! Palakang bato!" Sigaw ni marigold nang gulatin ito ni carla. Tumawa nang tumawa si carla. Nang mahimasmasan na ay iniabot niya ang isang files kay marigold. "Ano ba'ng nangyayari sa 'yo? Kanina pa kita tinatawag e. Bakit ka ba natutulala d'yan?" "Um..." Napakamot na lang ng ulo ang dalaga. Hindi niya mapigilang mag-isip at mag-alala tungkol sa sinabi sa kaniya ni Vivian kahapon sa elevator. Nag-aalala siya'ng baka maging banta na naman ito sa pananatili n'ya sa kumpanya. Napabuntong-hininga na lang si marigold. Minsan ay naiisip niyang maghanap na lang ng ibang kumpanyang mapapasukan para makaiwas sa mga katulad ni Vivian. Isa pa, pakiramdam niya'y anumang oras na makagawa s'ya ng pagkakamali ay baka sisantehin na s'ya nang tuluyan ng Ceo katulad ng banta nito sa kanya. "O bakit

