Kinabukasan, medyo mataas na ang araw nang magpunta ako ng kumpanya para mangalap ng impormasyon tungkol sa buntis na pumunta kay Ms. Vivian. Halos hindi ako makatulog sa kakaisip tungkol doon kagabi. Excited na akong mag-umaga na para makapunta na agad ng C.A. Sa ganitong paraan kasi ay malilinis ako sa pagkakasangkot ko sa mga nawalang files, at least mababawasan ang kasalanan ko sa paningin ni Mr. Atanante. Sinadya kong magpunta ng medyo tanghali at papuslit na pumasok ng kumpanya dahil nagtatago ako kay Mr. Atanante. Sinisiguro kong abala siya sa trabaho para hindi n'ya malaman ang pagpunta ko. Sa HR ako tumungo dahil doon ko balak kumuha ng impormasyon, ngunit hindi ko agad napuntahan si Mrs. Guiller dahil hinarang ako ng mga babaeng empleyado dito at hindi pinayagang makapasok pa n

