Hindi nakatulog si marigold nu'ng gabing 'yon sa kabila ng kumportable at malamig na suite na kanyang kinalalagakan. Hindi pa nga s'ya nakaka-get-over sa nakita n'ya sa dalawa sa Club, nakita naman n'ya ngayon lang na magkasama ang mga ito at dito pa sa hotel na kinaroroonan niya. Hindi tuloy niya maisip kung nananadya ba ang dalawa nang malapit pa talaga sa kuwarto n'ya nag-check-in ang mga ito. Naalala ni Marigold ang konsiderasyon at pag-aalaga ni Chardon sa kanya nito'ng mga nagdaang araw na parang bumalik lang sila sa dati nu'ng sabihin ng binata na gusto s'ya nito. Hindi man niya aminin, at kahit sinabi n'ya kay Jonas na tapos na ang lahat sa kanila; ang totoo, ay umasa na naman s'ya. Bagaman nalilito s'ya sa kabutihan ni chardon sa kanya, ngunit ang totoo ay palihim na natutuwa ang

