Nagmamadaling umuwi ng villa si Chardon, dakong alas onse pasado na iyon nang gabi. Agad niyang dinampot ang telepono at tumawag sa landline. Kilalá n'ya ang kanyang tatawagan, siguradong sa mga oras na ito ay mahimbing na itong natutulog, ngunit wala siyang pakialam. Maya-maya ay may sumagot na alam niyang katulong sa bahay ng kanyang tinawagan. Kaya sa landline siya tumawag ay dahil alam niyang hindi niya mako-contact ang cellphone nito. "It's Chardon.... call jonas for me." Matagal naghintay ang binata ngunit hindi ito makikitaan ng pagka-inip at pagka-inis. Inabot ng siyam-siyam bago marinig ang parang nanggaling sa ilong na tinig ng isang lalaki sa kabilang linya. "Hello?" "Tell her, if she want her bag... Go to my company tomorrow." Agad na saad ni chardon. Saka lang naalimpun

