Biglang nagkaroon ng reyalisasyon si marigold sa kung sino ang humatak sa kanya nang marinig ang boses nito, agad niya itong tiningala. Nang masilayan si Chardon ay namula at uminit ang mukha ng dalaga nang maalala ang naging babalâ nito na gagawin sa kanya kanina. Nagpatianod na lang ang dalaga nang hilahin s'ya ng lalaki sa parking lot at nang ipasok s'ya sa nakaparadang bently nito. Nakaupo lang ang dalawa sa loob ng sasakyan at walang umiimik sa kanila. Nakalingon lang sa labas si Marigold habang si Chardon naman ay mahigpit lang na nakakapit at nakatitig sa manibela. Hindi man halata pero may kaba'ng nararamdaman ang binata sa mga oras na 'yon. Naninibago siya sa sarili dahil ngayon lang siya nakaramdam ng ganito. Hindi siya sanay sa ganitong alanganin at awkward na sitwasyon dahil

