"O, heto na ang pangako ko." Iniabot ni jonas ang isang envelope kay marigold. Ang nilalaman nu'n ay ang mga impormasyon na kailangan ng dalaga. Mabilis lang ito'ng nakuha ni jonas mula sa HR. "Salamat Jonas. Pasensya na sa abala ha." "Wala 'yun. Basta ikaw." Humahighik lang ang dalaga at hindi na pinansin pa ang sinabi ni Jonas ngunit hindi niya napapansin ang kakaibang kislap sa mga mata ng binata na nauukol lang sa kanya. Ngayon lang naisip ni jonas kung gaano s'ya katanga, kung bakit ngayon lang n'ya naisip sa kanyang sarili na matagal na s'yang may pagtingin sa dalagang nasa harap niya. Hindi na sana umabot pa sa puntong, nasaktan ito dahil sa kanyang pinsan, naprotektahan sana n'ya ito. "Sige... Mauna na 'ko, aasikasuhin ko pa 'to." Paalam ni marigold. Tumayo na ito at lalabas

