Hindi pa man nagagawang mag-react ni Marigold ay bigla na lang may sumunggab sa kanya at tinakpan ang kanyang bibig. Impit siyang napasigaw. Dahil naramdaman niyang mataas na tao ang umatake sa kanya at dahil may mas malapad itong pangangatawan kaysa sa kanya, ay nakumpima niyang lalaki ito. Hinila s'ya ng lalaki papunta malapit sa bintana. Habang hinihila ay biglang nakaramdam ng familiarity si marigold base sa naamoy n'ya dito. Hindi na n'ya nagawang mag-isip pa kung sino ang ito nang bigla siyang buhatin at iupo sa storage Cabinet. Sa gawing iyon ay may bahagyang liwanag na tumatama na nanggagaling sa labas ng bintana, ngunit kahit ganu'n, kahit pakatitigan ni Marigold ang mukha ng lalaki, ay hindi n'ya maaninaw ang mukha nito gawa ng malabo niyang paningin. "Why? You didn't recogniz

