KANINA PA hindi maalis sa isipan ko anag nagging pag-uusap naming kagabi ni King. Sa sobrang maloko nito, hindi mo maiisip na may pinagdadaanan din ito sa buhay. He looks like a typical happy-go-lucky guy. “Uy, Ysia, ang tahimik mo naman.” Untag ni Allana sa akin. She is my other friend. Actually, she is my best friend. Anak siya ni Ninang Belen, at inaanak din siya ni mommy. Because she is a year older than me kaya graduate na siya. Kasalukuyan itong nagtatrabaho bilang isang accounting staff sa company ni Daddy. And soon she will be the new Junior Accountant of our company. “Wala naman. You know, I don’t talk that much! Nakapili ka na ba?” Tukoy ko sa mga damit na naka-hanger at pinagpipilian naming dalawa. Nag-utos na naman si mommy sa personal shopper nito upang magdala ng mga dami

