“You are very gorgeous, my love.” Nakangiting pinasadahan ako ni mom. Semi-formal ang theme ng birthday party ni Tito Joseph kaya naman isang gray Gucci dress lamang ang isinuot ko. Ipinares ko naman ang bagong bili kong 3 inches Prada shoes. Family and close friends lamang ang daw ang mga imbitado. And my whole family is invited to attend that party. Pero hindi naming kasama si Yuan, may importante daw itong lakad. “Let’s go, girls…It’s almost seven.” Aya ni dad sa amin. Eight thirty daw ang start ng party kaya naman may isa’t kalahating oras pa kami upang makarating sa venue. Gusto nga sana ni King na sunduin ako kanina pero hindi ako pumayag. Magkasama naman na kami kahapon kaya naisip kong masyado na akong nakakaabala rito. Pero natutuwa pa din ako at nag-ieffort ito para naman magi

