REESE' POV Bago pa ulit masaktan ni Sky si Jayden ay pinigilan ko na siya. Kitang-kita ko ang galit sa mga mata ni Sky nang makita niyang niyayakap ako ni Jayden. He's jealous and I knew it. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit kailangan pa akong puntahan ni Jayden dito sa bahay namin at aminin sa akin na gusto niya ako. Hindi ba niya naisip na kasama ko sa bahay si Sky at higit sa lahat ay asawa ko na siya? Hindi ba niya alam na sa pag-amin niya nang nararamdaman niya para sa akin ay magkakagulo lang? Hindi ko alam ang iniisip ni Jayden. He looks so cold and mysterious. Hindi ko nga akalain na sa tipo niya ay magugustuhan niya ako na may asawa na. "Sky, tama na please." Pagmamakaawa ko at niyakap na lang siya. Huminga naman ito ng malalim bago ulit bumaling kay Jayden. "You con

