REESE' POV Habang masaya akong nakikipag-usap sa asawa kong si Sky ay may pamilyar na lalake akong nakita na papasok sa kinaroroonan naming restaurant. I was surprised na makita ko si Austin na may kasamang isang maganda at matangkad na babae. Is this his girlfriend? May mga bitbit pa kasing pinamili si Austin na naka paperbags at sa tingin ko ay sa babaeng kasama niya ang mga iyon. Austin saw me at nagulat pa siya nang makita ako. He smiled at me pagkatapos ay pumunta siya sa kinaroroonan namin ni Sky habang nakasunod naman sa kanya ang babaeng kasama niya. Napalingon naman si Sky nang makita niyang nakatayo na sa harapan namin sila Austin. Nakita ko naman ang ibang klaseng titig ng babaeng kasama ni Austin kay Sky. Medyo nainis ako don dahil kung titigan niya ang asawa ko ay parang wa

