REESE' POV Nakasakay ako sa kotse ni Austin. Mukha siyang hindi mapakali at dire-diretso lang ang pagmamaneho niya. Dahil sa naweweirduhan na ako sa inaasal niya ay hindi ko maiwasang magtanong. "Austin? Ayos ka lang ba? Bakit parang hindi ka mapakali?" Tanong ko. Lumingon naman siya sa akin at ngumiti saka binaling na ulit ang tingin niya sa daan. "Ayos lang. Don't mind me." Tumango na lang ako at hindi na nagtanong pa. Naalala ko kanina na gusto akong makausap nina Lian at Jedus pero dahil sa hinahanap raw pala ako ni Kuya Red ay hindi ko na sila nakausap. Sa susunod ay babawi na lang ako sa kanila. Paminsan-minsan ko na lang rin kasi sila nakakausap at nakakasama. "Ano kaya ang sasabihin sa atin ni Kuya Red?" Ani ko at napatingin sa labas ng bintana ng kotse. Pag-uusapan na ba ang

