RYU'S POV Kalahating oras na ang nakakalipas pero hindi pa rin bumabalik si Reese sa Hotel Room namin. Nakatulog na ang mga kasama namin at idagdag pa na wala rin si Sky. Hindi kaya.. magkasama sila? s**t! Hindi pwede mangyari iyon! Girlfriend ko na si Reese kaya may karapatan na akong manghimasok at mangialam sa buhay niya. Alam kong maraming pwedeng umagaw sa kanya mula sa akin at hindi ako makakapayag na kunin lang nila basta-basta ang pag-aari ko. Lalabas na sana ako nang Hotel Room namin nang biglang pumasok si Reese. Nakangiti siya at mukhang masaya pa. Bakit kaya siya nakangiti? Pinasaya kaya siya ng Sky na iyon? Naiisip ko pa lang na may ibang lalakeng nagpapasaya sa kanya ay gusto ko nang magwala sa galit. Ako lang ang pwedeng magpasaya kay Reese. Ako lang! Nang mapansin n

