REESE' POV Simula nang nagkausap kami ni Kuya Reevo tungkol kay Ryu ay may nararamdaman na akong takot at pangamba sa kanya. Ayoko man maniwala sa sinasabi ng mga kapatid ko ay nagkakaroon na rin ako ng mga suspetsya na totoo nga iyon. Ryu is acting violently lately at minsan nga ay nasasaktan na niya ako. Ang akala ko nga ay dahil lang iyon sa normal na inaakto ng isang boyfriend sa girlfriend niya pero ang sabi ni Ailah ay hindi daw normal iyon. Kapansin-pansin nga kay Ailah na lumalayo na siya sa akin kapag kasama ko si Ryu. Kaunti na lang talaga at maniniwala na ako sa sinasabi nila na hindi nga mabuting tao ang lalakeng pinagkakatiwalaan ko simula noong mga bata pa lang kami. Weekends ngayon at nagyaya si Ailah na magmall kaming dalawa. Hindi ko sinunod ang sinabi ni Ryu na layua

