THIRD PERSON'S POV Tila gustong magwala at sumigaw ni Sky. Sa buong buhay niya ay ngayon lang siya nakaramdam ng matinding sakit, sakit na hindi galing sa paglalaro niya ng basketball kundi sakit na nanggagaling sa puso niya. Niloko siya ng unang babaeng minahal niya. Magpapakasal na ito sa matalik na kaibigan niya. Halos hindi na siya makapag-isip ng tama dahil sa sakit at bigat na nararamdaman niya. Hindi niya alam kung saan siya pupunta pero alam niyang isa lang ang taong magmamalasakit at makakaintindi sa kanya. Ang totoo at tapat niyang kaibigan na si Vince. Tahimik at parang pinagbagsakan ng langit at lupa na pumunta si Sky sa presinto kung nasaan si Vince. Nang pumunta siya sa selda ni Vince ay nadatnan niya itong nakaupo sa isang sulok at natutulog. Alam niya kung bakit naka

