REESE' POV Nang makita kong akmang susugurin na ni Ryu si Austin ay humarang na ako sa harapan niya at tinignan siya nang may pagsusumamo. "Ryu, 'wag mo na siyang patulan. Mas lalo lang lalaki ang gulo kapag nag-away pa kayo dito." Nagmamakaawa kong sabi. Ryu laugh sarcastically dahil sa sinabi ko. "Pinagtatanggol mo pa siya kaysa sa akin na bestfriend mo? 'Di ba dapat ako ang kinakampihan mo?" Napapikit na lang ako. He didn't get my point. Ayoko lang na magkasakitan pa silang dalawa nang dahil sa akin. "Hindi naman sa ganon pero-" Bigla namang sumabat sa usapan namin si Austin. "Bestfriend mo ba talaga siya, Reese? Bakit parang ayaw ka niyang palapitin sa mga lalake especially sa akin? Kanina lang kasi ay napapansin ko na kung todo siya makabantay sa'yo. Dinaig pa niya ang Knight in

