RYU'S POV Halos maubos ko na ang mga gamit ko sa loob ng condo ko dahil sa matinding pagwawala ko. Sino ba ang Austin na iyon at nanghihimasok pa siya sa buhay namin ni Reese? Alam ko naman na interesado siya kay Reese pero nakakabastos lang na harap-harapan ay ipinapamukha niya sa akin na isang dakilang bestfriend lang ako ni Reese. Hindi ba niya alam na malapit na kaming ikasal ni Reese? Oo nga't nasabi ko kay Reese na okay lang na maging bestfriend niya ako pero wala naman siyang magagawa dahil ipagpipilitan pa rin kami ng parents namin na ipakasal kami. Ano namang magagawa ko kung gusto ko rin ang ideya na ganon? Call me selfish or what pero talagang mahal ko lang si Reese at ayoko na mapunta siya sa ibang lalake. Patuloy pa rin ako sa pagwawala at nagkalat na sa loob ng condo ko a

