REESE' POV Nagising ako nang nasa loob ng kwarto ko na. Hindi ko alam kung paano ako napunta dito pero pilit kong inaalala ang mga nangyari. Naalala ko na, dinala ko si Sky sa clinic at nagkunwari siyang masama ang pakiramdam niya para magawa na naman niya ang binabalak niya sa akin. Napaiyak ako sa huli kong naalala. Pilit niya akong hinahalikan nun pero nagpupumiglas ako. Bakit pa ba ako nagtitiwala sa kanya? May masama nalang siyang balak sa akin palagi sa tuwing nagkakasama kami. Bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha nina Kuya Red at Kuya Reevo. "Baby girl, okay ka lang ba? May masakit pa ba sa'yo?" Tanong ni Kuya Reevo at hinawakan niya ang kamay ko. Tumango ako. "Ayos na ako, kuya. Paano pala ako napunta dito sa kwarto ko? Sino ang nagdala sa akin dito?" Si Kuya Red naman a

