“Manghingi ka na lang ng manok na kakatayin kay Ipe, Ferson. Madali lang naman hanapin ang kubo nilang mag-ama. Basta baybayin mo lang ng diretso ang daan,” utos ni Kanor kay Ferson dahil gusto niyang kumain ng tinanglaran na manok. “Sige po, Mang Kanor. Manghihingi na rin po ako ng tanglad para maluto ko na ang ulam na gusto niyo,” ani ni Ferson at saka na nga nagpaalam para magpunta sa kubo ng mag amang Ipe at Uella para sa manok at tanglad. “Ang lawak nitong rancho pero apat lang kaming tao na nasa loob nito,” sabi ni Ferson habang nagmamasid sa kapaligiran. Hindi na nagtataka si Ferson kung bakit nagtataasan ang mga madamo sa kung saan dahil nga apat lang sila sa rancho. Bale tatlo lang nga dahil ang pang apat ay si Mang Kanor na amo nila habang hindi rin makakapag linis ng mabuti s

