“Mang Kanor, mabuti at wala naman hong nagtatangka ng magnakaw ngayon sa rancho,” ang sabi ni Ferson na nag-wawalis sa paligid ng labas ng malaking bahay ng among lalaki. “Baka napansin na nila ang mga cctv camera na nakakalat sa rancho lalo na sa mga alagang hayop kaya ganyan na silang nanahimik pero huwag pa rin tayong pakakasiguro dahil baka nagpa-plano lang ang mga yan kung paano sila makakapagnakaw muli,” ang sagot ni Mang Kanor at saka napapa-iling ng leeg. “Hindi talaga sila makakaligtas kay Mang Ipe kapag nagkataon,” ani pa ni Ferson na naalala ang talim ng itak ni Mang Ipe. “Sinabi ko naman yan kay Ipe. Kapag may nahuli lalo pa at nanlaban ay tagpasin agad ang leeg,” tugon ng among lalaki. “Makita ko nga lang ho ang talim ng itak ni Mang Ipe maging ako natatakot,” biro pa ni F

