“Nagpunta kasi ako kanina pero may sakit ka raw sabi ng anak mo kaya heto at pinagdalhan kita ng mas mabisang gamot pantanggal ng lagnat mo,” sabay lapag ni Kanor sa lamesang gawa sa kawayan ng kwadro kanto ng nakalalasing na inumin. “Pasensya ka na, Mang Kanor at hindi ako nakagawa ngayon sa kulungan ng mga hayop at talagang masama ang pakiramdam ko,” paghingi ng pasensya ni Ipe na nakatayo na buhat sa pagkakahiga. “Huwag mo ng isipin at hindi naman talaga tayo imortal. Tinatablan talaga tayo ng mga kung anong sakit. Pero palagay ko ay kulang lang yan sa alak kaya tara na at sasabayan kitang tumagay,” pagyaya pa ni Kanor at inilabas na rin ang kanilang mga pulutan. May mga nakalagay sa styrofoar at may mg sitsirya rin. “Uella, nasaan ba ang emergency light natin?” tanong ni Kanor dahil

