“Wala akong napansin na kakaiba o pwede kong paghinalaan sa buong paligid sa labas ng rancho, Mang Kanor,” ang pag-uulat ni Mang Ipe sa paglabas niya ng rancho. “Magagaling talagang magtago ang mga kawatan na yan. Malamang na pinaghandaan talaga nila yan para hindi sila makitaan ng kahit na anong ebidensya,” ang busa ni Mang Kanor dahil wala naman mahanap na pwedeng maging suspek pagnanakaw sa loob ng kanyang rancho. “Baka naman ho dinala sa malayo para ibenta dahil alam nilang maaari talaga silang paghinalaan,” ang komento naman ni Ferson dahil nasa terrace sila ng bahay ng among si Mang Kanor at pinag uusapan nga ang mga ninakaw na mga manok at kambing na nagkakahalaga rin ng malaki. “Sanay na sanay talaga ang mga patay-gutom na yan na kumuha ng hindi naman sa kanila at saka ipakakain

