“Mag-isa lang po pala kayong nakatira rito?” tanong ni Ferson ng makapasok na sa loob ng bahay ni Kanor. Ayon sa binata ay bigo siyang makahanap ng trabaho sa lungsod kaya agad na rin umuwi dahil baka maubos ang pera na dala at walang matira kahit na pamasahe pauwi ng lugar nila. “May kasama akong trabahador sa bukid ko. Mag-ama na nakatira jan sa kubo sa bandang gitna ng rancho. Si Ipe at ang anak niyang bulag,” sagot ni Kanor na hindi pa rin mabuti ang pakiramdam kaya naman inalok si Ferson na maging personal na tagapag alaga niya lalo pa at nursing student naman pala ang binata maliban sa ito ang tumulong na madala siya sa ospital at naiwasan ang mas malalalang mangyayari sa katawan niya. “Bulag?” nagtatakang tanong ni Ferson. “Oo, bulag. Hindi nakakakita pero malaki rin namang ang

