“Ipe, bakit kumonti yata ang bilang ng mga baka?” ang pagtataka na tanong ni Kanor ng dumalaw na naman sa latian kung nasaan ang halos na mga hayop na inaalagaan para pagkakitaan. “Maglakad ka lang sa banda roon at makikita mo silang lahat. Madalas ay nagkakanya-kanya sila dahil sa paghahanap ng mga sariwang damo,” ang sagot naman ni Ipe na nagpapakain ng mga manok na pang sabong na hindi basta ang presyo. Tatango-tango si Kanor at pinaliit pa ang mga mata habang nakatanaw sa direksyon na itinuro ni Ipe sa kanya. Pansin naman ng among lalaki na malinis ang paligid. Walang mga nakasagabal na mga malalaking damo o mga tumutubong puno na dati ay nakakasagabal sa mga hayop. “Nababalitaan ko kasi na napapadalas ang mga pagnanakaw ng mga hayop kaya napapunta rin ako rito at baka hindi mo nap

